Saturday, October 17, 2015

CRESENTE "MR. COOP" PAEZ'S FILES COC FOR SENATOR




"..I am running for Senator, as independent candidate ng Liberal Party.  Kasama ako sa "Daang Matuwid".  And my strength is anchored on the strength of cooperatives all over the country.


    I need to represent them in the Senate especially their interests.  At saka, alam natin sa Pilipinas, ngayon mayroon tayong 13-milyong members.


    And I believe that these 13-million members are a powerhouse.  And we will convert all our cooperatives into headquarters so that these will be fully supportive sa mga maliliit na tao - sa ordinary people.


    Yung aking platform of government - I would like to focus on agricultural reform.  Ang isang tao, baka nangangailangan lang ng isang beses sa doctor; o isang beses sa dentista; o isang  beses sa abogado.  Pero ang tao nangangailangan ng tatlong beses sa isang araw ng pagkain; at responsibilidad ito ng magsasaka to give us food everyday.


    But, kailangan na strong ang attention natin sa agrikultura; so dapat the government should provide a necessary intervention.  Pero kailangan ay reporma.


    Ang gusto kong mangyari, ang reporma dapat wala nang irrigation fees.  At dapat, may fertilizer subsidy tayo, lalo na sa mga subsistence farmers.  I think with that, medyo kaya na nila kahit wala silang masyadong malaking capital.


    Tapos, gusto ko rin na palakasin ang kooperatiba.  Well, isang legislative action na gusto kong gagawin - to create a Department of Cooperatives and Social Enterprise.  And there will be so much support for this purpose.


    Ako ho, matagal na sa House of Representatives, at natapos ko na ang third term, as representative ng Cooperative Party List.  As a matter of fact, ako iyong unang Congressman, noong first introduction ng party list system way back in 1998. At saka consistent kami na palaging panalo every time na may election.  


    Ang sabi ng mga kooperatiba, panahon na natin ngayon na parang mayroon tayong party list sa Senado.


    So, the invitation of the Liberal Party- kasi wala naman akong pangalan.  Hindi naman ako masyado well-known. Hindi naman ako celebrity.  Hindi naman ako mayroong pangalan ng malaking pamilya o mayaman na pamilya.


    Baka ang tingin ko,  bakit ako nila kinuna (bilang kandidatong Senador), because ang slate ng Liberal Pary- coalition siya na may sectoral representatives.  

    I think that is very important na mayroon siyang balance when it comes to representation.


    So, I am very much happy for this opportunity, at saka kaya ko naman.  So, kayo nandiyan na mga kooperatiba, ordinary people, panahon na natin.


    Ipakita natin ang ating puwersa - coop power.  Let us translate this into 13-million (votes).  At pwede pa natin na doblehin.  Baka tayo ang maging number one Senator. 


    Maraming Salamat !!

(Transcript of the extemporaneous speech of REP. CRESENTE C. PAEZ when he filed his Certificate of Candidacy for Senator, October 15, 2015, COMELEC, Intramuros, Manila).

No comments:

Related Posts with Thumbnails